Wednesday, August 6, 2008
Mind boggling blogging
Until now, hindi ko alam panu gagawin ko sa blog ko. Siguro matagal na panahon pa bago ko makasanayan ang blogging. Nangangapa pa rin ako ng mga isusulat ko dito, minsan sa dami ng naiisip ko, ang ending wala akong matinong ma i post. Hay ang gulo talaga ng magulo ang utak. Hah! Kasabay pa ng pag aaral at mga duty ko sa hospital. Ang sakit sa ulo. Sa totoo lang hindi ko alam bakit ako nag create ng blog. Wala naman akong talent sa pagkukuwento, lalo na sa pagsusulat. Pero masaya ako kasi sa pamamagitan nito, maii share ko sa ibang tao yung mga bagay na hindi ko kayang i share. Dito, buong tapang kong masasabi na isa akong bisexual. Maikukwento ko ang tungkol sa min ng girlfriend ko. Yan ang isang bagay na hindi ko pa kayang harapin. Ang lumabas sa pinagtataguan kong aparador. Alam ko duwag ako. Minsan, nahihiya ako sa GF ko kasi alam ko na iniisip nya na hindi ko sya kayang panindigan. Ni hindi ko sya maipakilala sa mga kaibigan ko. Much more sa pamilya ko. At ang mas masakit, nakaya niyang sabihin sa nanay nya yung tungkol sa min at hindi maganda ang naging pagtanggap. Kaya lalo tuloy akong naduwag. Pero alam ko darating din yung araw na makakaya ko. Sana malapit na. At sana rin, matuto na akong mag blog ng maayos! Hah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment